Galit na nanawagan si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. sa National Bureau of Investigation (NBI) para agad madakip ang nagpakalat sa internet ng maselang video ng pinaslang niyang kapatid na si Ramgen Revilla at kasintahan nitong si Janelle Manahan.
"Sobrang pambababoy ang ginagawa nila sa kapatid ko. Karumal-dumal na nga ang pagkamatay ni Ramgen, sinisira pa nila ang pagkatao," ayon kay Sen. Revilla.
Dagdag pa nito, grabe na nga ang pinagdadaanan ngayon ni Janelle dahil sa pinsalang tinamo, pilit pang niyuyurakan ang pagkababae nito ngayon.
Nais ni Revilla na magsagawa ang NBI ng agarang imbestigasyon para maaresto at agad makasuhan ng paglabag sa Anti-Voyeurism Law of 2009 (Republic Act 9995) ang mga may kinalaman sa paglutang ng video sa mga social networking site.
Sa huli, paalala pa ng senador na ang mga nagda-download, gumagawa ng kopya at patuloy na nagpapakalat ng video nina Ramgen at Janelle ay pwede ring kasuhan batay sa naturang batas kung saan isa si Revilla sa mga co-author.
No comments:
Post a Comment